Saturday, March 1, 2008

Maghapong paglalakad

Uamaga pa lang naghanda na ako ng aking mga susuutin sa aking pagaaply, naghanda ng maalmusal at insayos ang sarilir. Sabik sa pupuntahang kumpanya, chenek ang mga recuirments at ang rasume na kakailanganin.
Alasais ng umaga ng lumabas na ako ng bahay at naglakad. Nakangiti kahit na sesengkwenta pesos lang ang pera sa bulsa. Nagbaon upang sakaling abutan ng gutom sa daan ay may makakain.
Sumakay ako ng jeep at nagbayad. At habang nakadungaw sa bintana pinagmamasdan ang mga taong naglalakad papunta sa kanilang trabaho. At nagiisip n asana isa rin ako sa mga naglalakad sa daanan ng naka pang opisinang damit.
Hindi ko namalayan na pababa na ako. Dala ang agam-agam sa magiging resulta ng akong lakad. Nang pagbukas ko sa pinto tumambad ang mga aplikanteng halata ang kaba.
Ipanasa ko na ang aking rasume ng buong pagmamalaki at humanay sa mga naghihintay. Bawat aplicante ay may bawat mukang kakaiba. Ibat ibang pinanggalingan at ibat ibang antas ng pinag aralan.
Bawat labas ng mga aplicante galling sa silid na kung saan sila’y ineenterbyu. Lalong nagbabago ang imahe ng kanilang muka. May masaya, may malungkot, at meron din naming naiinis. At may iba naming kinakausap ang sarili.
Natayo na ako sa aking kinauupuan dahil tinawag na aking pangalan at nagtanong sa sarili “ANU BA ANG MAGIGING EKSPRESYON KO PAGKATAPOS NITO?”
Makalipas ang ilang oras at natapos din ako lumabas ako sa silid na iyon na nakasimangot pagkat hindi natanggap.
Lumbas ako ng opisina ng may halong inis at sama ng loob……….


Ang kwento na ito ay base sa karanasan ni Juan Dela Cruz sa kanyang paghahanap ng trabaho. ang pilipnas ay may 30 milyong walang trabaho. maraming pilipino ang nakararanas ng ganito. ang iba nagsisikap na tapusin ang kanilang pagaaral at umaasang sa bandang huli ay magkakaroon ng isang magandang trabaho. mgaraming mga newly graduate ang nahihirapang makahanap ng trabaho sa ating bansa bagamat may diskriminisasyong umiiral. anu paman ang silbi ng ating pinagaralan kung mangilan ngilan lamang ang makikinabang. ang ibang mga pilipino naman dahil sa wala ng makuhang trabaho mas ninanais pa nilang gumawa ng iba pang paraan para mabuhay, napipilitang gumawa ng karahasan para lang mabuhay. kaya hindi din masisi ang gobyerno kung bakit laganap ang krimen sa bansa.




No comments: